NAKATANGGAP ng alok ang 7-foot-2 basketball youth sensation na si Kai Sotto mula sa NCAA Division 1 team na Georgia Bulldogs.

Ayon sa inulat ng Verbal Commits sa kanilang Twitter account kahapon,nagpahayag ang University of Georgia ng kanilang interes sa Filipino center.

Kamakailan lamang ay nagwaging MVP si Sotto na kasalukuyang naglalaro sa Atlanta-based club na The Skill Factory sa King Invitational Tournament sa Atlanta,Georgia.

Sa ESPN Class of 2020 recruitment rankings, kasalukuyang may ranggong 68th overall si Sotto at 11th sa big men.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang Georgia Bulldogs basketball program ay nakapag produce na ng ilang mga matagumpay na NBA players, pinaka prominente at aktibo pa rin na si Kentavious Caldwell-Pope ng Los Angeles Lakers.

Bukod sa University of Georgia,ilan pa sa mga NCAA Division I schools na binisita ni Sotto ay ang Georgia Tech at Kentucky University.

-Marivic Awitan