SABI na nga ba at susunod si Nadine Lustre sa ex-boyfriend na si James Reid na aalis sa Viva Artists Agency. Kahit may kontrata pa siya sa VAA, hindi naging dahilan ‘yun para hindi umalis sa VAA si Nadine.

Ang Kapunan & Castillo Law Offices ang nag-issue ng Press Statement nang pag-alis ni Nadine sa VAA.

May naniniwalang pipirma rin ng management contract sa ABS-CBN si Nadine o baka, sa management company ni James at pipiliing sa ABS-CBN exclusively gumawa ng project, gaya ni James.

Samantala, sinagot na ng Viva Artists Agency ang naging press statement ni Nadine, at nanindigan ang Viva na mananatiling exclusive artist si Nadine ng ahensiya.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Contrary to the Press Statement, Nadine remains an exclusive artist of VIVA as she has a valid and susbsisting Management Contract. Under the law, Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with VIVA.”

-NITZ MIRALLES