NAPIPINTONG humaba pa ang paghahari ni June Mar Fajardo bilang PBA MVP ngayong nangunguna siyang muli sa laban para sa nasabing pinakamataas na individual award sa liga sa ika-anim na sunod na taon.

Namumuro ang San Miguel Beer ace slotman sa MVP race ng Season 44 kung saan mahigpit nyang katunggali sina TNT KaTropa guard Jayson Castro, NorthPort big man Christian Standardinger at Columbian Dyip rookie CJ Perez.

Nakatakdang gawaran ng parangal ang mga top performers ng nakaraang season sa darating na Leo Awards na gaganapin sa pagbubukas ng PBA Season 45 sa Marso 1.

Malaking bentahe para kay Fajardo ang pagkapanalo nya ng Philippine Cup Best Player of the Conference award at pamumuno sa statistical points sa naitala nyang 39.6 SP’s kung saan nakasunod sa kanya si Perez na may 33.37 SPs.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Humanay naman sina Castro at Standhardinger kahit wala sila sa top 5 contenders sa bisa ng pagkapanalo nila ng BPC award noong nakaraang Commissioner’s Cup at Governors Cup ayon sa pagkakasunod.

Nasa pang-anim na puwesto si Castro na may 31.5 SP’s habang pang 16 si Standhardinger na may 26.7 SP’s.

Kasama nina Fajardo at Perez sa top 5 sina NorthPort guard Sean Anthony (33.46), Ginebra playmaker Stanley Pringle (31.8) at TNT hotshot Roger Pogoy (31.7).

Dahil sa kanyang pagiging MVP contender, paborito si Perez para saRookie of the Year award kung saan katunggali nya sina Robert Bolick ng Batang Pier, Javee Mocon ng Rain or Shine at Bobby Ray Parks ng TNT.

-Marivic Awitan