NAPANATILI ng reigning women’s titlist Arellano University ang kanilang pamumuno sa NCAA Season 95 Volleyball Tournament makaraang magwagi kontra sa San Beda University kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakamit ng reigning women’s titlist Lady Chiefs ang solong pangingibabaw matapos walisin ang Lady Red Spikers, 25-20, 25-21, 25-22.

Hindi naman pinalad ang kanilang men’s squad nang masilat ito ng Red Lions, 25-15, 25-19, 23-25, 25-16.

Sa pamumuno nina Regine Arocha at Necole Ebuen, naitala ng Lady Chiefs ang ikalimasng dikit nilang panalo habang sa pangunguna naman ni Jeffrey Losa, napigil ng San Beda Red Lions ang winning streak ng Arellano Chiefs.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagposte si Arocha ng 18 puntos, mula sa 13 attacks, 2 blocks at 3 aces habang nagdagdag si Ebuen ng 12 puntos sa nasabing panalo ng Lady Chiefs.

Umiskor naman si Losa ng 18 puntos bukod pa sa 15 digs at 23 excellent receptions upang pamunuan ang Red Lions sa pagpapatikim ng unang kabiguan sa Chiefs.

Sanhi ng panalo,umangat ang San Beda sa markang 3-1, panalo habang bumagsak ang Arellano sa 4-1, marka.

Ang kabiguan naman ang una para sa Lady Red Spikers matapos ipanalo ang unang tatlo nilang laro.

-Marivic Awitan