IPINOST sa Facebook ni Genevieve Galvez sa tunay na nangyari at kung bakit nakasuhan si Jiro Manio ng “alleged frustrated homicide” dahil sa pananaksak sa isang Zeus Doctolero.

jiro

Lahad ni Genevieve: “THIS IS IN CONNECTION TO JIRO MANIO’S CASE! Wala akong kinakampihan or anything. I’m just here to tell the WHOLE TRUTH. Matagal ko na sana tong pinost e! Kaso, gusto ko sana sa police muna or barangay dumeretso. Busy lang talaga sa work! And isa pa ni report na si ZEUS (sinaksak/stalker ko) ng tita ko sa family friend naming police the 1st time he showed up malapit s bahay namin!! FYI, AKO YUNG PINUPUNTAHAN NIYA DITO AT WALA SILANG CONNECTION NI JIRO! AYOKO SANANG MAKISALI! Pero this is not a joke anymore. AFTER NAMIN SIYANG I-REPORT SA POLICE, MAY LAKAS PA DIN SIYA NG LOOB BUMALIK DITO! At kung mababasa niyo mga sinasabi niya sakin which I have proof of some of the malicious messages that he sent me, matatakot talaga kayo. So eto na. Just read the captions.

ISA LANG MASASABI KO, ZEUS JAO DESERVES TO GO TO JAIL! NANDAMAY KA PA NG IBANG TAO SA PANG I-STALK MO SAKIN! And bakit ako nangengealam? KASI, AKO TINUTURO NIYA SA MUNISIPYO NA KAIBIGAN NIYA DAW DITO DAHIL DI NAMAN SIYA TAGA RITO! San magkaibigan dyan? MAHIYA KA SA BALAT MO! MAAWA KA SA TAO! IT WAS SELF-DEFENSE! Kaya ka nasaksak! YOU’RE SCARY! MARAMING TESTIGO NA HINAMPAS SI JIRO NG HELMET KAYA SIYA LUMABAN. NAG KATITIGAN DAW KASI SILA KAYA NIYA HINAMPAS! AND HINDI LANG TO SOCIAL

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MEDIA! WE’LL DEFINITELY TAKE ACTION!”

May isa pang nag-post in defense of Jiro, sabi ni Allan Tembong Santigo Lianko: “Kawawa nga eh...Madaming nakakita dito sa park na pinagpupukpok daw ng helmet c Jiro tapos may umawat daw tapos pinukpok ulit ung lumaban n daw ci Jiro hinabol nya ung isang lalaki tapos nag-abot cla sa loob nung kAtabi kong kainan, dun na cla nagbuno... hindi lang namin alam kung ano o kung meron ciang atraso sa lalaki. Pero madaming nakakita. Lumaban lang c Jiro...”

Ayan, sana naman magkaroon ng maayos na imbestigasyon para lumabas ang totoo sa pangyayaring lalo na kung totoong self-defense ang ginawa ni Jiro. Ang nabasa pa namin, kutsarang walang ulo ang ginamit ni Jiro na panaksak na nakuha niya sa napasok na carenderia dahil hinabol nga siya.

Mabuti at lumabas ang babaing in-stalk at tini-text ni Zeus at least, nalaman natin ang other side ng story.

-NITZ MIRALLES