MAGING si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ay isang ganap na bakwit mula sa apektadong barangay sa Cavite bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ngunit, hindi siya kabilang sa mga pansamantalang nanunuluyan sa mga inihandang ‘evacuation center’.

Ayon kay Joven Jimenez, chief trainer ni Ancajas, inilipat nila ang training ng Pinoy champion sa Dipolog City matapos maapketuhan ng abo ang pasilidad sa Silang, Cavite na pinagsasanayan nito.

“We decided na ilipat na lang muna dahil hindi na ma¬ganda ‘yung lugar para sa training. Mahirap na rin na baka maabutan kami roon sakaling mas maging grabe pa ang sitwasyon,” pahayag ni Jimenez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Magandang pagkakataon din na sa Dipolog magsa¬nay para makaiwas sa anumang distraction,” aniya.

Magugunitang sa Cavite nagsanay si Ancajas bago labanan si Japanese pug Ryuichi Funai noong Mayo. Ito rin ang naging tahanan ni Ancajas bago ang na¬udlot na championship fight niya kontra kay Jonathan Rodriguez noong Nobyembre.

Sa Abril ang target na petsa ni Ancajas, ngunit wala pang linaw kung sino ang makakalaban ng kampeon.

Huling naitala ni Ancajas ang panalo nitong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico sa impresibong sixth round technical knockout laban kay Miguel Gonzalez ng Chile para sa pagtatanggol sa kanyang korona.

-Marivic Awitan