May kabuuang 12 koponan ang nakatakdang maglaban-laban sa darating na 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup na magsisimula sa Pebrero 13.

Kabilang sa mga koponang ito ang NCAA champion Letran at UAAP runner-up University of Santo Tomas.

Dadalhin ng Knights ang dati nilang pangalan na Wangs Basketball-Letran habang Growling Tigers ay tatawaging UST Builders Warehouse.

Ang dalawang koponan ay inaasahang magiging mga contenders para sa first conference.

Karl Eldrew Yulo, nakasungkit ng silver medal sa South Korea

Sa 12 teams, tanging ang Marinerong Pilipino na tumapos na runner-up noong nakaraang taong Foundation Cup ang club team.

Lahat ng natitirang 11 teams ay puro school-based kasama na ang mga first timers na EcoOil-De La Salle University at Mapua.

Nariyan din ang mga mainstays na Centro Escolar University at AMA Online Education kasama ang San Sebastian College, Far Eastern University, Diliman College, Technological Institute of the Philippines at Enderun Colleges.

Lahat naman ng teams ay may tsansang magdagdag at magpalakas ng kanilang line-up sa idaraos na 2020 PBA D-League Draft ngayong araw na ito sa PBA Office sa Libis.

-Marivic Awitan