BALIK-TAMBALAN ang real sweethearts na sina hunk Kapuso actor Derek Ramsay at Kapuso sexy actress Andrea Torres. Yes, after ng matinding romansahan nina Derek at Andrea sa first TV team-up nila, ang The Better Woman, sasabak naman sila ngayon sa action-drama series, ang Sanggang Dikit na isa sa upcoming series ng GMA Network.

Andrea at Derek

Marami nang nagawang action series si Derek noong nasa TV5 pa siya at hindi naman problema sa kanya dahil sporty naman si Derek at sumasali siya sa mga sports here and abroad, na kasama pa ang girlfriend na si Andrea.

Hindi rin naman bago kay Andrea ang paggawa ng action series. Dalawang beses silang nagtambal ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood 1 & 2 na nagpakita si Andrea ng husay niya doing action scenes. At ngayong sila naman ni Derek ang gagawa ng action series, tiyak na mas madadagdagan pa ang kaalaman ni Andrea sa paggawa ng action scenes.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

As to their lovelife, very open sina Derek at Andrea. Sa interview sa Chika Minute kung kasunod na ba ng pag-amin nila sa tunay nilang relasyon ay kasalan na, sagot nila, concentrate muna sila sa gagawin nilang project pero napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal, ngayon pa ba na libre nang gawin ni Derek ang muling magpakasal, dahil null and void na ang first marriage niya?

-NORA V. CALDERON