MAS nakaririnding atungal ng bangis ang ikakasa ng DAVAO COCOLIFE Tigers para sa bagong taong 2020 upang maipagpatuloy ang winning tradition ng koponan na ang tampok na misyon at makopo ang titulo ng Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) Lakan Cup.

Tangan ang pinakadominanteng record upang mangibabaw sa team standing ng South Division(20-3) sa papatapos nang second phase elimination round ng Lakan Cup,mas mabagsik na mga tigre ang nakatakdang sumila para sa mga natitirang katunggali sa eliminasyon bunga ito ng taas ng adrenaline at deteminasyon ng Tigers matapos ang team building na isinagawa noting nakaraang holiday break sa pangunguna nina Davao Occidental Governor Claude Bautista,team owner Rep. Claudine Bautista, team manager Dinko Bautista at deputy manager Ray Alao kaagapay sina COCOLIFE President Atty.Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.

“Our Tigers are soaring high.Hear us roar this year 2020,” optimistikong pahayag ni manager Dinko.

Pangungunahan ang misyong title conquest ni King Tiger Mark Yee,Bonbon Custodio,Billy Ray Robles,Bogs Raymundo ,Emman Call,,Ivan Ludovice ,James Forrester at mga bagitong kasimbangis ng frontliners.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe