DearManay Gina,
Ako po ay dalaga, 35 years old, college graduate at may magandang trabaho. Ang problema ko ay kung bakit napaka-uwerte ko sa mga lalaking ’needy.’
Kamakailan, inilista ko ang lahat ng lalaking naging malapit sa akin at nalaman kong may isa silang katangian—ang pagiging ‘weakling’ at pala-asa. Nagulat din ako sa pagkatuklas na lahat sila ay naging malapit sa akin sa panahon na sila ay nangangailangan. Ano kaya ang dahilan nito?
Rina
Dear Rina,
May mga babae na talagang mistulang magnet sa mga lalaking problemado, at isa ka sa kanila. Marahil, natural na responsive ka sa mga taong sugatan ang damdamin. Pag-aralan mo kung ano ang sanhi nito.
In the meantime, gawin mong personal na alituntunin ang pag-iwas sa mga lalaki na nasa gitna ng krisis. Piliin mo ang mga manliligaw na matatag ang pagkatao. Masarap makatulong sa kapwa pero pagdating sa pag-ibig, mas liligaya ka kung maiiwasan mong maging tila isang rehabilitation institute. Nagmamahal, Manay Gina
“Be careful what you water your dreams with. Water them with worry and fear and you will produce weeds that choke, the life from your dream. Water them with optimism and solutions and you will cultivate success.”
--Lao Tzu”
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia