HINDI man nakuha ni Pinoy star Danny Kingad ang inaasam na tagumpay laban sa pamosong si Demetrious Johnson sa flyweight class, umani ng paghanga at respeto sa kapwa fighters at fans ang Team Lakay member.

KINGAD: Pambato ng Team Lakay sa ONE

KINGAD: Pambato ng Team Lakay sa ONE

Tinaguriang “Mighty Mouse” ang hindi malilimnot na duwelo ni Kingad sa ONE Flyweight World Grand Prix Championship Finals, ay tiyak na nagbigay ng ranking points sa Pinoy.

Tatangkain ni Kingad na makabawi sa harap ng nagbubunying kababayan sa pagharap niya laban kay Xie Wei sa tampok na duwelo sa ONE:Fire & Fury sa Enero 31 sa MOA Arena.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Everyone will see something new from me in the coming year,” pahayag ni Kingad.

“With everything that I learned about myself in 2019, the next year will be a chance for me to show how much I have grown. My personal goal is to win every match in order to become worthy of a World Title challenge soon,” aniya.

Tangan ni Kingad, nakapagtala ng tagumpay laban sa pamosong sina Reece McLaren, Senzo Ikeda atTatsumitsu Wada sa nakalipas na taon para makuha ang 13-2 career record.

“I learned a lot,” sambit Kingad.

“I was against top-caliber athletes who were able to make me realize some of my weaknesses, which I continuously work on to improve. The experience (of facing Johnson) was very exciting, and I was really happy because I was given a chance to be a part of (the ONE Flyweight World Grand Prix Championship).”

Sa kabila ng kabiguan sa pinakamalaking laban sa kanyang career, kontento si Kingad.

“I am very much satisfied with my performance, and I am really happy to have competed against such talented athletes. Not everyone can get a chance to compete against an in-his-prime DJ, but I was able to go toe-to-toe with him and push him for three rounds,” aniya.

Makakasama niya sa ONE: FIRE & FURY ang Team Lakay teammates, ONE Strawweight World Champion Joshua Pacio at Eduard Folayang. Dedepensa si Pacio sa ONE Strawweight World Title kontra Alex Silva, habang lalaban si Folayang kay Ahmed Mujtaba sa light flyweight contest.