ZAMBOANGA CITY-Inaasahang magiging isang major investment destination ang Bangsamoro region sa Pilipinas matapos makapagtala ang Regional Board of Investments (RBOI) of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng P4.1 billion halaga ng pamumuhunan nitong 2019.
Sa isang year-end report, sinabi ni Shamera A. Abobakar, RBOI Senior Investment Specialist na nasa 80 porsiyento itong mas mataas sa P2.5 billion kumpara sa nakaraang taon.
Sa kanyang maikling summary report para sa 2019, sinabi ni Abobakar na nakapagtala ang RBOI ng five investment projects sa BARMM.
Pinakamalaki sa mga ito ang Lamitan Agri-Business Corporation (LABCO) para sa Cavendish banana plantations na nagkakahalaga ng P1.8 billion sa Lamitan City, Basilan Province.
Ikalawa naman sa top investors ang JMI Sand and Gravel Truck Services Corporation. Namuhunan ang kumpanya ng P1.4 billion sa sand and gravel project na matatagpuan sa Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ikatlo naman sa listahan ang Maguindanao Corn Development (MCD) DSA-1 Corporation na nakatupn sa modern yellow corn production project na nagkakahalaga ng P515 million at matatagpuan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ikaapat naman ang Wao Development Corporation (WDC) na may P306 million investment para sa bagong pineapple packing plant sa Wao Municipality, Lanao del Sur.
Ikalima ang Hong Kong Feng Sheng Heritage Philippines Inc. (HK FSH) na nakabase sa Balabagan, Lanao del Sur at naglaan ng P100 million upang makapagtayo ng isang abaca fiber processing plant.
Mula sa mga pamumuhunang ito, inaasahang aabot sa 2,724 trabaho ang malilikha. Ngayong taon lamang, dinomina rin ng probinsiya ng Maguindanao ang investment generation, na sinundan ng Lanao del Sur at Basilan Province.
Noong nakaraang taon, nagtungo pa si BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa Saudi Arabia at Turkey para sa sa investment missions at makalikha ng mas madakit na unayan sa ekonomiya ng dalawang bansa.
Nakipag-usap din si Ebrahim sa mga potential investors mula Malaysia, Turkey. Indonesia at sa iba pang local investors, na inimbitahan niyang pasukin ang oportunidad ng pagnenegosyo sa rehiyon.
-NONOY LACSON