HOUSTON (AP) — Ratsada si James Harden sa naiskor na 44 puntos at 10 para sandigan ang Houston Rockets sa 108-98 panalo kontra Brooklyn Nets nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Maagang nadomina ng Rockets ang laro at nakabaante sa pinakamalaking puntos na 22, ngunit, nagawang makadikit ng Nets, sa pangunguna nina Austin Rivers at Spencer Dinwiddie, sa 107-98.
Napatalsik sa laro sina Russell Westbrook at Taurean Prince may 20 segundo ang nalalabi nang nagkaambahan at magkasagutran bunsof nf hard foul ng Nets giard kay Westbrook nay 20 segundo ang nalalabi.
Nanguna sa Nets sina Dinwiddie na may 17 puntos at 11 assists,habang kumana sina Prince at Jarrett Allen ng tig-20 puntos.
PELICANS 120, PACERS 98
S a New O r l e a n s , nagsalansan si Brandon Ingram ng 24 puntos, habang kumana si Jrue Holiday ng 20 puntos sa impresibong panalo ng Pelicans kontra Indiana Pacers.
Hataw si JJ Redick sa naiskor na 15 puntos at tumipa si Lonzo Ball ng 13, tampok ang apat saw along three-pointer ng New Orleans. Nag-ambag si Derrick Favors ng 10 puntos at 16 rebounds para sa ika-apat na panalo sa nakalipas na limang laro.
Nanguna sa Pacers sina Aaron Holiday at T.J. Warren na may 25 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod. Humirit din si Domantas Sabonis na may 15 puntos at 16 rebounds para sa Pacers.
RAPTORS 113, CELTICS 97
Sa Boston, nilapa ng Toronto Raptors, sa pangunguna nina Kyle Lowry na may 30 puntos at Serge Ibaka na may 20 puntos, ang Boston Celtics para tuldukan ang winning run ng Celtics sa limang laro.
Nag-ambag sina Patrick McCaw at Fred VanVleet ng tig-18 puntos para sa Toronto. Naibawi ng Raptors ang kabiguna sa Celtiucs sa kanilang suwelo nitong Pasko.
Nanguna si Kemba Walker sa Celtics sa natipang 30 puntos, habang nalimitahan si Jaylen Brown sa 17 puntos matapos ang magkasunod na 30-plus points. Naitala ni Brown ang career-high 34 puntos laban sa Celeveland nitong Biyernes.
NUGGETS 119, GRIZZLIES 110
Sa Denver, naitala ni Nikola Jokic ang season-high 31 puntos, 10 rebounds at 10 assists para sa ikapitong triple-double ngayon season mataps padapain ang Memphis Grizzlies.
Nag-ambag sina Will Barton, Jamal Murray at Mason Plumlee ng tig-15 puntos para sa Nuggets.
Nadomina ng Denver ang tempo ng laro mula simula hanggang sa final buzzer kung saan naitala ang pinakamalaking bentahe sa 23 puntos sa first half.
Nanguna sa Memphis si Jaren Jackson Jr. na may 20 puntos at5 kumana si Jonas Valanciunas ng walo sa 14 puntos sa first period.
Samantala, nagwagi ang NBA-leading Milwaukee Bucks, 111-110, sa kabila ng hindi paglalaro ni star player Giannis Antetokounmpo.