EVERYBODY, ang mga netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, ay excited nang malaman kung ano ang result ng DNA tests nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ilang beses na itong pinagtalunan nina Jaime (Wendell Ramos), Kendra (Aiko Melendez) at Lady Prima (Chanda Romero) dahil ayaw nilang maniwala na silang tatlo ang tunay na anak ni Jaime, dahil pinalitaw ni Kendra na ang tunay niyang anak na si Brianna (Elijah Alejo) ang anak ni Jaime.

Prima Donnas 122719

Kaya naman ang mga netizens galit na galit na kina Kendra, Brianna at Lady Prima dahil alam nilang ang tatlong Donnas ang tunay na mga Claveria. Tumanggap na sila at ang surrogate mother niyang si Lilian (Katrina Halili) ng katakot-takot na panglalait mula kina Kendra, lalo na kay Lady Prima na hindi na nila makakain at iiyakan na lamang nila ang mga sinabi nila. Kaya may mga nagko-comment na:

@yellobun50 Sana naman tama na nasabi na lahat ng masasakit na salita ni Lady Prima kay Lilian at sa 3 bata, mukhang aabutin pa ng 2020 para sa katotohanan dahil mabubulilyaso na naman ang DNA result dahil kay Kendra, sana lang may twist.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang hihintayin dito ay kung hindi makukunsensiya ang gumawa ng DNA test na binayaran ni Kendra. Lahat kasi ng ipinagawa ni Kendra sa mga tao nila ay pumalpak, si Kendra kaya ay maging successful?

Ang isa pang hinihintay ng mga netizens kung paano lalabas ang lahat ng mga kasalanang ginawa ni Kendra, to the point na nakapatay siya ng tao at siya ang nagpanakaw ng necklace na magpapakilala sa mga Donnas na sila talaga ang mga tunay na Claveria, at triplets na anak ni Jaime.

Ang Prima Donnas ay dinidirek ni Ms. Gina Alajar at napapanood araw-araw pagkatapos ng Magkaagaw.

-NORA V. CALDERON