MASISILAYAN ang husay at galing ng mga Pinoy players mula sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa paglarga ng MPBL sa unang pagkakataon sa Canada.

Tampok na maghaharap ang Zamboanga Family Sardines kontra sa Imus Bandera sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Alberta.

Sa kasaysayan ng liga, ito ang ikalawang pagkakataon na nagdaraos ang MPBL ng dalawang araw na international games, kasunod sa ginanap na dalawang laro sa Dubai, UAE noong Septyembre.

Mapapanood din ang exhibition game ng 21-man Pacquiao All-Star team 1 kontra sa Calgary Selection 1 ngayong araw at laban sa Edmonton team 2 bukas sa Edmonton Expo Center sa Edmonton, Canada.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumulak nitong araw ng Pasko ang Imus Bandera team, sa pangunguna nina movie-TV actor Gerald Anderson at dating PBA MVP Jayjay Helterbrand habang sumunod naman ang Zamboanga Valientes para sa nasabing out-of-the country games.

Kabilang sa MPBL entourage sina commissioner Kenneth Duremdes, deputy commissioner Zaldy Realubit at operation chief Emmer Oreta.

Si Duremdes at si Oreta ay kasamang maglalaro sa All-Stars habang si Realubit naman ang kanilang coach. Ang iba sa grupo ay sina MPBL Datu Cup MVP Gab Banal ng Bacoor Strikers, Chris Lalata (Bicol Volcanoes) at Spencer Eman (Socsargen Marlins).

Maglalaro rin para sa All-Stars team sina Mark Yee (Davao Occidental Tigers), Michael Juico (Pampanga Giant Lanterns), Val Acuna (Valenzuela Classic), Paulo Hubalde (Valenzuela Classic), Chris Bitoon (Manila Stars), Aris Dionisio (Manila Stars), Jeff Viernes (Batangas

Blades), Jhayman Eguilos (Batangas Blades) at Anderson (Imus Bandera).

Kabilang din sa roster sina MPBL panelists Christian Luanzon, Martin Antonio at Rodney Santos, co-operations head Satar Macantal at marketing officer Seth Jamora.

Laro Ngayon

(Seven Chiefs Sportsplex, Calgary, Canada)

(TBA) – Pacquiao All-Stars 1 vs. Calgary Team 1

(TBA) – Zamboanga vs. Imus

(TBA)- Pacquiao All-Stars 2 vs. Calgary Team 2