NAPAGKASUNDUAN ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magdaos ng Gilas Pilipinas Special Draft para sa 2023 Basketball World Cup.

Lima mula sa kabuuang 71 aplikante sa PBA Draft ngayong taon ang napili upang mapasama sa special draft na gagawin na kinabibilangan nina Isaac Go, Allyn Bulanadi, Mike Nieto, Matt Nieto at Rey Suerte.

Ang lima ay mahahanay sa national pool at pipiliin sa special drafting order ng mga koponang Columbian Dyip, Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

May karapatan ang SBP na i-pull out ang mga nabanggit na manlalaro sa mga nasabing koponan na kukuha sa kanila kung kinakailangan.

Mauuna ang special draft bago ang regular draft na may sumusunod na draft order- (1)Columbian, (2)Blackwater , (3) NLEX, (4) Alaska, (5)Rain or Shine, (6) Rain or Shine, (7) Rain or Shine, (8) NorthPort, (9) Magnolia, (10)Ginebra, (11)TNT at (12) Columbian Dyip.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Isasagawa ang special draft hanggang sa susunod na dalawang taon.

-Marivic Awitan