TAAS-NOO si dating Senador  Nikki Coseteng --  ngayon ay may-ari ng Diliman College – sa kanyang koponan na patuloy na gumagawa ng pangalan sa collegiate league.

NAGDIWANG ang mga miyembro, opisyal at tagasuporta ng Diliman College.

NAGDIWANG ang mga miyembro, opisyal at tagasuporta ng Diliman College.

Nakamit ng Diliman ang back-to-back championship sa katatapos na Universities and Colleges Basketball League (UCBL).

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon kay Coseteng, isang malaking karangalan ang ibinigay ng buong koponan lalo na ng kanilang mga manlalaro at coach na si Rensy Bajar.

"Malaki ang determination niya and he is really willing to help 'yung mga players niya. Ang pinaka importante, 'yung attitude niya towards the game," pahayag ni Coseteng patungkol kay Bajar.

Si Bajar ay dating miyembro ng San Beda Red Lions at kasama rin sa champion team na RP team noong SEA Games 1997 sa pagmamaneobra noong ng yumaong si coach Dong Vergeire.

Dalawang sunod na taon na ngayon nang nabigyan ng kampeonato ni Bajar ang Diliman College, kontra sa kanilang karibal na Olivarez College.

Bukod dito, kasama rin si Bajar sa coaching staff ng nagkampeon na Letran Knights sa National Collegiate Athletics Associations (NCAA) at gayundin sa coaching staff ng Northport Batang Pier sa PBA.

"Hindi siya marunong mapagod and talagang ginagawa niya na makuha 'yung isang bagay, through hardwork. Dati wala siyang degree, but because he wanted to be the coach of Diliman College, nag-aral siya and now he's doing his Masteral," kuwento pa ni Coseteng.

Sinabi naman ni Bajar na mismong ang kanyang mga manlalaro rin ang pinakasusi ng kanilang panalo, gayung determinado rin umano ang mga ito na makakuha ng kampeonato at manatiling matibay sa kompetisyon sa UCBL.

"I commend my players for the hard work and sacrifices.  Tatlong beses kami kung mag-training sa isang araw. Minsan nga parang hindi na kami kilala sa mga bahay namin kasi talagang intense 'yung training namin. Pero nagpapasalamat ako kasi it paid off. Eto na 'yung bunga ng pinaghirapan namin," ayon naman kay Bajar.

Ang Diliman College ay nasa ilalim ng pagmamay-ari ni Coseteng, at suportado ng  Gerry's Grill sa pangunguna ng may-ari na si Jerome Ngo. 

"I believe in coach Rensy's system of basketball. Marami na rin akong sinuportahan na teams, but iba kasi itong Diliman College. Iba 'yung training ni coach Rensy," ani Ngo.

Itinanghal naman na Finals MVP ang 20-anyos na si Robbi Darang. Annie Abad