SAYANG at hindi nakarating sina Lassy Marquez at MC Calaquian sa premiere night ng pelikula nilang Two Love You na ginanap sa SM Megamall Cinema 1 nitong Linggo ng gabi dahil may prior commitment daw sabi ng producer na si Ogie Diaz.

Hindi nasaksihan nang dalawang komedyante ang magagandang komento ng mga nakapanood ng ‘Two Love You’ na mahusay pala silang mag-drama at hindi lang puro pagpapatawa ang alam. Naaliw kami pero mas naluha kami dahil may kurot sa puso ang kuwento at may moral lesson ang pelikula at makaka-relate rito ang magkaka-relasyong babae sa babae, lalaki sa lalaki, babae sa bakla at tomboy sa bakla base na rin mga litrato ng real life couples sa tunay na buhay tulad ni Ogie na ipinakita niya ang litrato ng buong pamilya niya.

Mahusay si Lassy sa kanyang breakdown scene nang malaman niyang nagkagustuhan ang dalawang taong mahal niya, si Kid Yambao na boyfriend niya at si Yen Santos na palaki niya.

Pero mas magaling para sa amin si MC bilang bestfriend for life ni Lassy na walang ginawa kundi pangaralan siya dahil sa kahibangan nito sa lalaking mahal.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Naaliw naman kami kay Dyosa Pockoh dahil pasok naman ang mga punchline niya lalo na nang una siyang manalo sa gay beauty contest dahil sa sobrang saya ay hindi na inalis sa ulo ang koronang napanalunan.

Maganda si Yen sa pelikula, telegenic pero hindi masyadong mabigat ang role niya bilang si Ganda na laging naghahanap ng lalaking magmamahal sa kanya pero laging naiisahan hanggang sa nabuntis at si Lassy ang tumulong sa kanya at tumayong ama sa anak niya.

Mas mabuting panoorin ang ‘Two Love You’ simula ngayong araw para maintindihan kung ano ang mga aral na matutunan sa kuwento mula sa direksyon ni Benedict Mique produced ng Ogie D Productions at Lone Wolf Productions at release ng Viva Films.

-REGGEE BONOAN