SINO ang hindi nakakakilala kay direk Carlo J. Caparas na ang buhay ay parang ‘rags to richest’? Isa sa biggest achievements ni Caparas ay ang pagkakahirang as national artist. Marami ang nagtaas ng kilay at ang maikling tugon ni Carlo ay “ipinagkaloob ito sa akin at hindi ko hiningi.”

Carlo J Caparas

Sa pagpanaw ng kanyang asawang si Donna Villa ay nawala sa limelight ang controversial na direktor and by choice ay piniling manirahan sa Cebu City. Sinarili niya ang grief for the longest of time. Understandably, hirap siyang mag-move on. Recently ay may item na inulat na nagkausap sina Vic Del Rosario at direk Carlo J. (kasama ang anak niyang si Isabela “Peach” Caparas) hinggil sa napipintong pagbabalik showbiz ng direktor na naging trademark na ang wearing cap at colored shades we are sure ikinatuwa ng marami ang balitang ito. Ang mag-asawa ay malapit sa puso ng entertainment press dahil sa kanilang kabaitan at pagiging matulungin.

Last week sa panggabing programa sa DZMM ay guest ang mag-amang Carlo J. at Peach, at kinumpirma ang kanyang pagbabalik showbiz. He is in good spirits, palabiro and has moved on. “Ito ang gugustuhin ni Donna na gawin ko na ipagpatuloy ang pagtulong sa malilit na tao sa industriya.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang comeback project ay hango sa sarili niyang kuwento entitled Ciudad at malaki ang background participation ng Cebu na siyang hometown ni Donna.

-REMY UMEREZ