SA kabila ng kawalan ng mga key players, tiwala ang Philippine Women’s Volleyball Team na magkakaroon ng tsansa para sa podium finish ang koponan para sa kampanya ng bansa sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Tunay na magiging kahiya-hiya samata ng sambayanan ang Nationals ang kabiguan matapos umatras ang Malaysia at Singapore at malagay sa apat na koponan na lamang ang maglalaban sa women’s volleyball event.

Bukod sa kawalang ng Fil-Am player na si Kalei Mau hindi magagamit ng national team ang serbisyo ng magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat gayung hindi sila pinayagan ng kani- kanilang mga koponan sa Japan kung saan sila naglalaro bilang mga imports.

Si Mau ay hindi nakakuha ng release paper buhat sa United States Volleyball Association upang makapaglaro sa Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Wala din sa listahan ang Fil -Am na si Alohi Robinson-Hardy gayung hindi pa naayos ang pasaporte nito.

Gayunman, buo pa rin ang tiwala pamunuan ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) na sina President Joey Romasanta at LVPI training director Peter Cayco na sapat ang talento ng National Women’s team sa kanilang pagsabak sa nasabing biennial meet.

Ayon kay Cayco, ang naging ensayo ng Philippine Women’s Volleyball team sa Japan ng dalawang linggo ay isang matibay na paghahanda para sa nasabing kompetisyon.

Sasandal ang koponan kina Alyssa Valdez, Julia Morado, Mika Reyes, Iris Tolenada, Eya Laure, Abigail Maraño, Mary Joy Baron, Maddie Madayag, Roselyn Doria, France’s Molina, Aiza Pontillas, Mylene Paat, Jovelyn Gonzaga, Dawn Macandili at Kathleen Arado.

Pinondohan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang training ng women’s team sa Japan noong nakaraang buwan.

-Annie Abad