KAMAKAILAN ay ini-launch sa ibang bansa ang reality show na Your Moment na original concept ng ABS-CBN at Fritz Production na mapapanood na pagkatapos ng The Voice Kids.
Ang Your Moment ay pangungunahan nina Boy Abunda, Nadine Lustre at Billy Crawford bilang judges; hosts naman sina Vhong Navarro para sa dancing category at Luis Manzano para sa singing category.
Bale 2-in-1 competition for singing and dancing ang Your Moment kaya dalawa ang entablado at dalawa rin ang tatanghaling grand champions.
Tapos nang i-shoot ang auditions at mid-rounds na kinunan entirely sa ABS-CBN Soundstage Studios sa San Jose del Monte, Bulacan.
Kakaiba ang format ng Your Moment dahil ang audition process ay mapapanood through black and white.
Sanib-puwersa ang European at Filipino Team para sa original show na ito ng ABS-CBN at ayon sa aming source ay sobrang mahal ng programang ito.
Samantala, mukhang hindi na muna magkaka-trabaho sina Nadine at boyfriend niyang si James Reid dahil may iba siyang leading lady para sa teleseryeng Soulmate, ang Momoland member na si Nancy McDonie na ididirek ni Antoinette Jadaone.
Naunang nagka-trabaho sina James at direk Tonette sa teleseryeng On the Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016) at sa pelikulang Never Not Love You (2018).
-Reggee Bonoan