LUTANG ang kilatis ng lahing nagmula sa Kentucky sa ginanap na 2019 Philippine Racing Commission 3YO Imported/Local Challenge Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

TINANGGAP nina Allan Keith Castro (ikaapat mula sa kaliwa) may-ari ng ‘What A Feeling’,  jockey Mark A. Alvarez at trainer Wally Manalo ang tropeo matapos ang tagumpay ng alagang 3YO colt sa 2019 Philracom 3YO Imported/Local Challenge Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Nakiisa sa kanilang pagdiriwang sina Philracom Executive Director Andrew Rovie Buencamino (kanan), Manila Jockey Club manager Jose Magboo (kaliwa) at deputy J-fel Cuevas at Lucky Lea Forbes.

TINANGGAP nina Allan Keith Castro (ikaapat mula sa kaliwa) may-ari ng ‘What A Feeling’, jockey Mark A. Alvarez at trainer Wally Manalo ang tropeo matapos ang tagumpay ng alagang 3YO colt sa 2019 Philracom 3YO Imported/Local Challenge Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Nakiisa sa kanilang pagdiriwang sina Philracom Executive Director Andrew Rovie Buencamino (kanan), Manila Jockey Club manager Jose Magboo (kaliwa) at deputy J-fel Cuevas at Lucky Lea Forbes.

Iniwan sa ruweda ng ‘What A Feeling’, anak ng pamosong ‘Flashback’ (sire) at Rougeole (dam), kapwa nagmula sa Kentucky, USA, ang mga karibal tungo sa one-length victory sakay si jockey Mark A. Alvarez sa 1,600-meter race tampok ang champion purse na P900,000 sa kabuuang P1,500,000 premyo.

“Pina-remate ko lang ang kabayo ko. Split second lang po ang pag-iisip natin, sabi ko susugalan ko na lang ito, dahil sa isip ko, 'yun ang ika-papanalo namin,” pahayag ni Alvarez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naungusan nito ang ‘To It's Si Bing (owner Bingson Tecson and jockey MM Gonzales) at Will To Win (owner Wally B. Manalo and jockey CP Henson)

“Ang plano, either na mauna or susunod kami, pero 'yung hindi namin plano ang natupad. Nagkaroon ng matulin na ere, so pinaremate ko ang kabayo ko. Sinabayan ko lang si To It's Si Bing, alam ko siya ang matinding kalaban, sinabayan lang po ng remate. Sabi ko, tignan ko kung hanggang saan. Bago siya magkalahating kabayo sa akin, inunahan ko na siya,” sambit ni Alvarez.

“Pero ito ang pinakamalaki naming panalo. Abangan niyo kami. Simula pa lang ito.”

“It was a hard-fought victory for What A Feeling, a Kentucky-bred horse. Nakita niyo naman, we competed against very worthy opponents, lahat sila puweda manalo, pero maganda pagkadala ni 'Black Superman' Mark Alvarez. Talagang naka-adjust siya sa sitwasyon at nakaraos kami,” pahayag ni owner Allan Keith Castro, personal na tinggap ang premyo at tropeo mula kina Philracom Executive Director Andrew Rovie Buencamino, Manila Jockey Club manager Jose Magboo at deputy J-Fel Cuevas.

“To God be the glory, it's a team effort. Buong team namin, from hinete, trainer, grooms lahat 'yan, pinaghirapan namin lahat,”ayon kay Castro.

Ang iba pang nagwagi sa karera nitong Linggo ay ang Buckingham Palace (Race 1), Yes Kitty (Race 2), Amelia (Race 3), Genie Hello (Race 5), Ifyourhonorplease (Race 6), Daan Bantayan (Race 7), Native American (Race 8), Cost Less (Race 9), The Accountant (Race 10), Magtotobetsky (Race 11) at Hamlet (Race 12).

Marami pang malalaking pakarera ang nakalinyang isagawa ng Philracom -- 2nd leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Nov. 3, Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa Nov. 17 at 2nd leg ng 3YO Imported/Local Challenge sa Nov. 24.

Sa Disyembre, nakalinyang bitawan ng Philracom ang 3rd leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races, Grand Sprint Championship, Chairman's Cup at 3rd leg ng 3YO Imported/Local Challenge Series at Juvenile Championship.