NANGANILANGAN ang San Sebastian ng panalo upang pormal na makausad sa semifinals ng NCAA Season 95 Men’s basketball tournament.

Nag-deliver si Allyn Bulanadi ng kinakailangang performance upang makamit ito ng Stags.

Nagtala ang graduating forward ng kanyang career-best na 44 puntos bukod pa sa 8 rebounds at 4 na assists upang pamunuan ang Golden Stags sa 99-94 panalo kontra Perpetual noong Biyernes at makopo ang huling tiket sa susunod na round.

“Ginawa ko lang yung best ko. Sabi ko, ‘Para ‘to sa Baste, sa lahat ng bumubuo ng Baste,” anang 6-foot-2 wingman matapos nilang makabalik sa playoffs kasunod ng 6th place finish nila noong isang taon.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nauna rito, nagposte si Bulanadi ng 19 puntos, 8 rebounds at 6 na assists upang pangunahan ang San Sebastian sa 85-82 na pag-ungos sa Arellano.Dahil sa kanyang back-to-back standout performances, napili si Bulanadi sa ikalawang pagkakataon upang maging Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Kaya naman humanay sya kay San Beda forward Calvin Oftana na dalawang beses na nagawaran ng lingguhang parangal.

Sa nasabing dalawang panalo, nagtala ang league leading scorer ng average na 31.5 puntos sa 47.5 percent field goal kabilang ang 37.5 percent sa 3 point arc bukod sa 8.0 rebounds at 5.0 assists.

Tinalo nya para sa lingguhang citation sina Oftana, Kent Salado ng Arellano at Yankie Haruna ng St.Benilde.

-Marivic Awitan