MUKHANG hindi na magkakaayos ang aktor at direktor na dating magkaibigan dahil sa isyung panunulot.

Tsika sa amin ng mga taga-production ay galit na galit ang direktor sa aktor dahil ang love of his life ay niligawan ng huli, sa madaling salita may panunulot.

“Alam naman ni (aktor) na dyowa ni (direktor) si (girl), niligawan. Buti sana kung hindi sila magkakaibigan. Okay lang kung hindi close sina (aktor) at (direktor), e, close sila, tapos susulutin.

Hirit namin sa kausap namin na nasa babae na ‘yun kung magpapasulot siya dahil magkaibigan ang aktor at direktor.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Hindi lang nabanggit sa amin kung magka-relasyon pa rin sina aktor at ang girl dahil ang balita namin ay nangibang bansa na.

Samantalang si direktor ay wala pa ring ka-lovelife ngayon at itinuon ang oras sa trabaho na in fairness ay napakarami niyang project dahil nga magaling naman at paborito siya ng TV network kung saan siya kunektado.

Wala rin kaming ideya kung nagkikita sa showbiz gatherings sina aktor at direktor dahil sa pagkakaalam namin ay iisa lang ang iniikutan nilang showbiz friends.

Akala ko sa pelikula lang ang ganitong kuwento, nangyayari pala sa totoong buhay.

-Reggee Bonoa