SA pamumuno ni Allyn Bulanadi, pormal na umusad ang San Sebastian College-Recoletos sa semifinals matapos igupo ang University of Perpetual Help, 99-94, kahapon sa NCAA 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center.
Naging mainit si Bulanadi mula umpisa at tumapos na may personal best na 44 puntos, kabilang na limang sunod na puntos sa huling dalawang minuto ng laro na nagbigay ng kalamangan sa Golden Stags na hindi na nila binitawan hanggang matapos ang laban.
Dahil dito, nakabalik ang San Sebastian sa semis matapos mabigong makasulong noong Season 81.
Ganap din nilang tinapos ang pag-asa ng pumapanglimang Mapua na makahirit ng playoffs para sa huling semifinals berth.
Kinumpleto na ng Stags ang casts ng mga koponang maglalaban sa stepladder semifinals na magsisimula sa Nobyembre 5 sa pagtutuos ng 4th seed San Sebastian at ng 3rd seed Letran.
Ang magwawagi sa nasabing laro ay haharapin naman ang second-seed Lyceum of the Philippines University para sa karapatang makasagupa ang top-seed at undefeated San Beda University sa Finals. Marivic Awitan
Iskor:
SSC-R (99) – Bulanadi 44, Ilagan 22, Capobres 10, Calma 6, Villapando 6, Calahat 6, Tero 3, Sumoda 2, Isidro 0, Cosari 0, Desoyo 0, Altamirano 0.
PERPETUAL HELP (94) – Charcos 22, Aurin 20, Razon 18, Peralto 10, Adamos 8, Martel 6, Giussani 6, Sevilla 2, Tamayo 2, Lanoy 0, Cuevas 0.
Quarters: 27-18; 48-44; 76-65; 99-94.