NI Edwin Rollon

PAIIGTINGIN ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ang programa para maabatan ang pagtaas ng bilangng ‘loose firearms’ sa ilalargang 27th AFAD-Defense & Sporting Arms Show sa Nobyembre 14-18 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

TOPACIO

TOPACIO

Ang naturang firearms show at ikalawang serye ng programa na naunang isinagawa nitong Hulyo sa naturan ding venue.

National

'A season of renewal!' PBBM, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year

Ayon kay AFAD president Alaric Topacio, puspusan ang paghahandang ginagawa ng grupo upang masiguro na mas maiibigan ng sambayanan ang palabas na naglalayon na palakasin ang industriya at naiwaksi sa kamalayan ng Pinoy ang karahasan dulot ng mga ilegal na baril na nagagamit sa kasamaan.

“Kami po sa AFAD ay puspusan ang trabaho para matulungan ang pamahalaan na malabanan ang bilang ng mga’loose firearms’ at maturuan an gating mga kababayan ng tamang paggamit ng baril at responsableng pagmamay-ari nito,” sambit ni Topacio.

“Nais ponaming maiparating sa ating mga kababayan ang kabutihang naidudulot ng industriya ng firearms sa ekonomiya ng bansa. Lahat po ng 61 member ng AFADS ay lehitimong kompanya na nagbabayad ng tamang buwis sa ating pamahalaan.

“Ang mag responsableng gun owner po na umaabot na sa mahigit isang milyon ay pawang dumaan sa masusing pagsasanay at pagtuturo bago mabigyan ng lisensya ng PNP. At sa bawat lisensya ay napupunta sa National treasury ng bansa,” aniya.

Pangungunahan nina Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Migz Zubiri ang mga panauhin sa opening ceremony ganap na 9:00 ng umaga. Imbitado rin ang matataas na opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, sa pangunguna ni Gen. Oscar Albayalde.

Bukod sa mga makabago at modernong baril, bala a accessories na magagamit sa recreational, sports at seguridad, nakalinya rin sa naturang show ang seminars para sa martial arts, tamang paghawak at paggamit ng baril, self defense at pagtuturo sa responsableng pagmamay-ari ng baril.

“Magtatayo rin ng booth ang PNP to help gun-owners para sa gun licensed renewal, isang one-stop shop ito na talagang kagigiliwan ng atingmga kababayan,” pahayag ni Topacio.

“Through the years, AFAD is working hard to fight the stigma of public perception as the results of proliferation of ‘loose firearms’. Through this program, we can used this as platform to educate people, learn the in and out of the trade and become a responsible gun owner,” said Topacio.

“Also, we’re here to put a semblance of order among stakeholders as AFAD membership growing with 61 associates is ready and always on track in boosting the country’s economic growth,” aniya.