ANG bongga ng “beauty queen” entrance ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz upcoming season of Insatiable.

Gloria Diaz

Ibinahagi ng dating Miss Universe ang isang pasilip sa kanyang guest appearance sa Instagram nitong Miyerkules sa pamamagitan ng isang video clip ng kanyang pagpasok sa serye.

“Coming soon on OCT 11 @insatiable only on @netflix QUEENS take control,” ani Diaz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nang inanunsiyo nitong Mayo 21 ni Gloria ang kanyang guest appearance sa palabas matapos niyang ibahagi ang kanyang larawan kasama ang actor na si Dallas Roberts, na gumaganap bilang Bob Armstrong sa series.

“Working with Dallas Roberts on the set of “INSATIABLE” of NETFLIX. I am excited/nervous/ feels like I am a beginner/ can’t remember my lines and just totally overwhelmed,” caption sa post.

Isang American series ng dark comedy-drama ang “Insatiable” na likha ni Lauren Gussis, at pinagbibidahan ni Deby Ryan, bilang Patty Bladell.

Sa October 11, ipalalabas ang ikalawang season ng Insatiable sa Netflix.

-Richa Noriega