NGAYONG nasa elite pool na ang kaynang ate Jasmine, nagsisimula na si Behrouz Mohammad Mojdeh na makagawa ng sariling pangalan sa ‘grassroots level’ matapos mapabilang sa mga batang tinanghal na Most Outstanding Swimmer (MOS) sa 2nd BEST Swimming Challenge kamakailan sa The Farm Resort sa Lucena City, Quezon.

IBINIDA ng mga batang kalahok ang mga medalyang napagwagihan sa ginanap na BEST Swimming Challenge sa Lucena City.

IBINIDA ng mga batang kalahok ang mga medalyang napagwagihan sa ginanap na BEST Swimming Challenge sa Lucena City.

Mula sa pagiging miron, pinatunayan ng 8-anyos na si Mojdeh na may lugar para sa kanyang ang swimming matapos magwagi ng limang gintong medalya at tanghaling MOS athlete sa Class C ng torneo na inorganisa ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) at Swimming Pinas.

“Nakakatuwa na maging siya (Behrouz) ay nakahiligan ang swimming. Sabi niya gusto niya ring matularan ang kanyang ate Jasmine,” pahayag ng ina na si Joan, patungkol sa panganay na anak at 13-anyos na si Jasmine na kabilang na ngayon sa Philippine Elite Swimming Team matapos mamayagpag sa local at international age-group competition.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanguna naman sa kani-kanilang age group category sina  Rojo Almario (6-under), Lucas Leonor (7), Lawrence Arabes (9), Richard Taggs (10), Jassen Rosas (11), Mark Cueto (12), Aros Macabasco (13), Alex Marasigan (14), Seamus Lobos (15) at Lord Michael Lim (16-over).

Nagwagi naman sa girls’ class sina Kylee Magtangob (6-under), Rita Dimaandal (7), Clara Maligat (8), Naya Tolentino (9), Iongrid Lobos (10), Heither Baesa (11), Ayeles Mirandilla (12), Marcia Isabelle Ferrer (13), Aliah Bernas (14) at Kelsie Cabangon (16-over).

Sa Class AB, nanguna sa girls Class sina Bella Fano (9), Marianne Lopez (10), Shinloah San Diego (11), Apple Abin (12), Althea Virrey (13), Shaenna Andal (14), Althea Villapena (15) at Julia Kate Abin (16-over).

Agaw pansin naman sa boys’ class sina Hugh Alberto Parto (9), Dirk Chicote (10), Ryan Macapanpan (11), Peter Dean (12), John Harold Borneo (13), Benedikt Munoz (14) at John Mathew Rala (15).

“We are happy with the outcome of the competition in Lucena. A lot of talented young swimmers have emerged and some are even qualified to the international competitions that we’ll be joining including the Royal Bangkok Swim Meet in Thailand,” pahayag ni BEST president Harold Mohammad Mojdeh.