UMABOT sa kabuuang 120 kabataan ang nakilahok sa pagtatanghal ng Philippine Sports Commission (PSC) Sports for Peace Children’s Games kaugnay ng proyekto na Happiness Project Mindanao na ginanap sa Barangay Tawantawan covered court sa Baguio District sa Davao City nitong Setyembre 14.

Umakyat pa ng bundok ang mga kabataan habang ang iba naman ay tumawid pa ng ilog para lamang lumahok sa nasabing event kung saan ay kabilang ang tree planting activity malapit sa Panigan River bago ang gaganaping Larong Pinoy para sa mga kabtaan.

Ayon kay PSC Mindanao cluster head Ed Fernandez mga batang kalahok ay sinundo mismo ng organirez bunsod ng kakulangan ng maayos na transportation vehicle.

“Children from the outskirts of Barangay Tawantawan were fetched because it was hard for them to come to the barrio center. They wade through rivers, climbed mountains, rode precariously in trunks and walked kilometers of dirt road to be at the multi-purpose gym,” pahayag ni Fernandez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dominante ng katutubo ( Manonos) o miyembro ng Indigenous Peoples (IP) ang mga kalahok.

Ang Barangay Tawantawan ay isang liblib na barangay sa ikatlong distrito ng Davao.

Kamakailan lamang nang maakipagpulong si PSC Chairman William I. Ramirez, kasama ang mga tauhan ng PSC Mindanao sa Davao City, kung saan ay iginiit niya na ang kautusan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ibahagi at palaganapin ang sports sa grassroots..

Patuloy ang serye ng laro para sa Children’s Games sa Davao region na ginanap kamakailan sa New Bataan, Compostela Valley na may 200 partisipante, sa Lower Tamugan sa Davao Cityna ay 200 kabataan din at sa Malita, Davao Occidental na nilahokna naman ng 250 kabataan.

Sunod na magaganap ay ang Children’s Games sa Agdao, Davao City ngayong darating na September 28 at sa Maragusan, Compostela Valley na nakatakdang ganapin sa Setyembre 27at 28.

-Annie Abad