Gilas, asam makaisa sa olats ding Angola sa FIBA World Cup

FOSHAN, China — Wala nang tsansa para sa podium, ngunit kailangan ng Gilas Pilipinas na maisalba ang nalalabing dangal sa pagtatapos ng Group D elimination ng FIBA World Cup.

  TINANGKA ni Gilas Pilipinas’ Roger Pogoy na makaiskor sa depensa nina Nemanja Bjelica at Marko Simonovic (kanan) ng Serbia sa FIBA World Cup.  (FIBA PHOTO)


TINANGKA ni Gilas Pilipinas’ Roger Pogoy na makaiskor sa depensa nina Nemanja Bjelica at Marko Simonovic (kanan) ng Serbia sa FIBA World Cup.
(FIBA PHOTO)

Haharapin ng Philippine Basketball team ang Angola – tulad ng Pinoy inaasahang ibubuhos ang nalalabing lakas para makapagtala ng panalo sa torneo – at magbalik bayan na may kipkip na karangalan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natamo ng Gilas, inaasahan ngunit hindi sinukuan ng sambayanan, ang magkasunod na kabiguan sa kamay ng powerhouse Italy at Serbia – dalawang koponan na kapwa may reputasyon sa European basketball.

Laban sa Angola ganap na 3:30 ng hapon ngayon, target ng Gilas na makaisa para mabigyan ng buhay ang sisinghap-singhap na pag-asa na makasungkit ng slots sa 2020 Tokyo Olympics.

Iginiit ni Coach Yeng Guiao na ang huling nalalabing pagkakataon ay hindi na dapat pang humulagpos sa kamay ng Gilas.

“It’s going to be a tough matchup for us, especially after these two tough losses,” pahayag ni Guiao matapos matikman ng Gilas ang 126-67 kabiguan sa Serbian Lunes ng gabi sa Foshan International Sports and Cultural Center.

“We have to lift up the spirits of the guys to be able to play well in the next game,” aniya.

May konting tsansa ang Gilas na makamit ang best-ranked Asian team sa liga matapos mataloa ng China via overtime sa Poland.

Nakatakdang harapin ng China (1-1) ang walang talong Venezuela matapos ang laban ng Gilas-Angola.

Sakaling manalo ang China, ang nalalabing paraan ng Gilas ay makasama sa best 16 teams na bigong makasamapa sa Tokyo Games para makapaglaro sa Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon kung saan naghihintay ang apat na Olympic slots.

Sunod na haharapin ng Pinoy ang Iran, gayundin ang matatalo sa Group C match sa pagitan ng Puerto Rico at Tunisia sa Biyernes at sa Linggo sa Wukesong Sports Arena.

-Jonas Terrado