NAKAILANG mother role na si Sylvia Sanchez sa mga teleseryeng nagawa na niya sa Kapamilya network, kaya natanong kung ano ang pagkakaiba nitong bagong serye nilang Pamilya Ko.

pamilya ko

“This time mayroon akong asawa (Joey Marquez) sa umpisa palang, hindi ‘yung na-rape ako o bumalik lang ‘yung dati kong boyfriend. At first time kong magkaroon ng teleserye na may other woman naman ‘yung asawa ko na makakalaban ko,” pahayag ni Ibyang.

Paano ilalarawan ng aktres ang pakikipag-trabaho niya kina Joey Marquez at JM de Guzman.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang galing! Ang galing! Kasi si Tsong naman kahit komedyante ‘yun alam nating magaling talaga siya punumpuno ng puso si Joey kapag nagpo-portray siya (drama).

“At si JM magaling naman talaga. Kahit i-quote n’yo ako, aangat (sa acting) ang lahat ng anak ko rito (Pamilya Ko),” say pa ng aktres.

Ang mga anak na binabanggit bukod kay JM ay sina Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Raikko Mateo na base rin naman sa trailer ay may kanya-kanya silang highlight.

“Ang gagaling nilang lahat grabe, ang gagaling ng fruit salad (tawag sa mga anak). Kasi sa mga teleserye nila nu’ng una hindi naman sila masyadong napapansin, maliban kay Honesto (Raikko) kasi nagbida na, pero itong mga baguhan magugulat kayo,”pagmamalaki pa ni Luzviminda (karakter niya).

At sa tunay na buhay, inamin din ni Ibyang na ang anak niyang si Ria Atayde ang nahahawig sa karakter ni JM sa Pamilya Ko.

“Si Ria kasi kapag wala ako, siya lahat sa kanilang magkakapatid, even sa tatay niya. Kahit nga sa akin, ‘nanay’ ko ‘yun, eh. Mas responsible di ba ng babae? Si Arjo (Atayde) responsible (rin), pero si Ria talaga ‘yung tutok. Ibang klase si Ria, nanay ko siya actually!” paglalarawan sa anak.

At dito na natanong kung boto si Ibyang kay JM kung sakaling maging boyfriend ito ni Ria.

“Alam nyo kahit sinong mamahalin ng mga anak ko, sikat man o hindi, mayaman o mahirap basta’t umakyat ng bahay na magalang at may respeto o marespetong bata, ‘yun lang ang gusto ko. Mabait si JM, okay sa akin, sila (Ria) na ang mag-usap tungkol diyan bahala sila hindi ko sila pakikialaman,” katwiran ng aktres.

Compatible ba sina JM at Ria, “well, nakikita ko sila, magba-barkada kasi ‘yan sina JM, Ria at Arci. Kaya nga nagkakasundo sila kasi pareho silang mabubuting bata at mababait sa magulang.”

Pero nang tanungin na si Maine Mendoza kay Sylvia bilang girlfriend ng anak niyang si Arjo ay tigas na ng iling nito, “ayaw ko ng pag-usapan ‘yan!”

Samantala, klinaro ni Ibyang na hindi siya mapanghusgang tao dahil ang katwiran niya.

“Kahit sino pa ‘yang nasa harap ko kahit siya na ang pinakamasamang tao hangga’t wala siyang ginagawang masama sa akin hindi ko siya huhusgahan. Kahit na anong paninira sa akin sa taong ‘yun hindi kita paniniwalaan kasi walang ginagawa sa akin,” diretsong sabi nito.

-Reggee Bonoan