BINAWALAN ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang mga players na kasalukuyang may kontrata sa kanilang mga koponan na mag-ber da bakod sa Philippine Basketball Association.

Sa inilabas na memorandum ng liga na may lagda nina Commissioner Kenneth Duremdes at founder Manny Pacquiao, hindi bibigyan ng release paper ang mga players nalumipat hangga’t hindi pa tapos ang kasalukuyang Lakan Cup.

Ayon kay Duremdes, ginawa nila ito para hindi masira ang programa ng mga koponan s akasalukuyang season.

Ang lalabag sa bagong regulasyon na epektibo nitong Agosto 21 ay mahaharap sa five-year ban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Any violation by any team or player this Memorandum may result to severe sanctions on the team and/or possible suspension or ban from the MPBL on the player,” ayon sa memo.

Bunsod nito, tiyak na purnada ang plano ng Phoenix Pulse na kunin ang serbisyo nina ex-pro Mark Yee at Pamboy Raymundo na namataan na nag-eensayo na sa kanilang koponan.

Kasalukuyang nakapirma si Yee sa Davao Occidental Tigers, habang sa GenSan naman si Raymundo.