NAGSIMULA na nitong Huwebes ang ‘100 days countdown’ para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.

Bunsod nito, ipinahayag ni Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) executive Ramon Suzara na gawa na at nalagyan ng desenyo ang gagamiting ‘torch’ sa Torch Run ng biennial meet.

TATZ SUZARA

TATZ SUZARA

"The torch is a representative of the Philippines’ goal of lighting the way towards a higher level of organizing the biennial games which is on its 30TH year. Suzara added that the torch design itself is representative of our culture of excellence and our desire for unity among the member states of ASEAN," pahayag ni Suzara.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang  2019 SEA Games ay katatampukan ng 11 bansa na kinabibilangan ng  Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Timor Leste ,Vietnam at Pilipinas.

Ang pagpapailaw sa sulo ay simbulo ng pagkakaisa at mainit na pagkakaibigan ng mga bansang kalahok.

Ang naturang torch at dinisenyo ng kilalang  metal sculptor na si  Daniel dela Cruz.

Hinango ang disenyo ng nasabing torch buhat sa sa mga pambansa simbolo ng Pilipinas gaya ng  bulaklak ng sampaguita, na nagsisimbolo ng kasimplehan, kadalisayan, pagpapakumbaba at lakas habang ang walong sinag ng araw sa nasabing sulo ay nagsisimbolo naman ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay at kalayaan.

Kilala si Dela Cruz sa kanyang kakaibang istilo pagdating sa mga gawaing metal, isa mga kilalang obra maestra niya ay ang pinakamalaking  Crucifix na may taas na 7 metro na itinayo noong  Setyembre 2016 sa  St. Michael Archangel Parish Church sa  Bonifacio Global City.  Annie Abad