Pacquiao, napabilib ni Casimero; laban kay Tete, isusunod

NAPATAYO sa kanyang kinauupuan si Manny Pacquiao, hindi dahil sa pag-aalala, bagkus sanhi nang labis na kasiyahan sa ipinamalas na bagsik ni John Riel Casimero.

CHAMP! Itinaas ni John Riel Casimero ang kamay bilang tugon sa pagbubunyi ng crowd, habang sinusuri ng referee ang kalagayan ni Mexican challenger Cesar Ramirez. Napanatili ni Casimero ang WBO Interim bantamweight title via 10thround knockout. (RIO DELUVIO)

CHAMP! Itinaas ni John Riel Casimero ang kamay bilang tugon sa pagbubunyi ng crowd, habang sinusuri ng referee ang kalagayan ni Mexican challenger Cesar Ramirez. Napanatili ni Casimero ang WBO Interim bantamweight title via 10thround knockout. (RIO DELUVIO)

Nakumpleto ni Casimero, nagpapawis ng todo sa bisperas ng laban para makuha ang takdang timbang na 118 lbs. sa weigh-in, ang dominasyon sa Mexican challenger na si Cesar Ramirez sa matikas na 10th-round knockout win para mapanatili ang World Boxing Organization (WBO) interim bantamweight crown Sabado ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dalawang ulit napangalog ni Casimero ang mga tuhod ni Ramirez sa kaagahan ng laban, bago dumating ang pamatas na ‘left uppercut’ na tuluyang nagpatumba sa challenger.

Hindi na nagawa pang bilangan ni referee Ramon Pena ang nakahandusay na Mexican para kaagad na suirrin ang kalagayan nito, habang naghihintay ang nakataas ang mga kamay na si Casimero para sa pormal na pahayag ng kanyang panbalo.

Opisyal na naitala ang KO may 2:33 sa 10th round.

Dumagundong ang hiyawan at pagbubuyi ng crowd, kabilang ang tanging 8-division world champion na si Manny Pacquiao na kaagad na nagpahayag nang pagnanais na maisaayos ang susunod na laban ni Casimnero --- laban sa pamosong si Zolani Tete – angkasalukuyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight title holder.

Ipinahayag ni Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions ni Pacquiao, na buo ang suporta ng Pinoy boxing icon para sa laban ni Casimero kay Tete sa Nobyembre.

Kasalukuyan nang nakarekober sa natamong injury si at batay sa pahayag ng WBO, sa pamamagitan ni Asia-Pacific representative Leon Panoncillo, binibigyan siya ng 90 araw para maidepensa ang korona kay Casimero.

“On Monday Senator Manny Pacquiao and his MPP will make a significant offer along with our partner PBC (Premier Boxing Champions) to do the fight in the United States in November of this year,” pahayag ni Gibbons.

“Senator Pacquiao is committed to creating the best scenarios for his MPP fighters to have a level playing field to win,” aniya.

Nahila ni Casimero ang career record sa 28-4, tampok ang 19 Kos.

Hawak naman ni Tete, isang southpaw fighter, ang 28-3 karta, kabilang ang 21 KO at kasalukuyang nasa pangangasiwa ni British promoter Frank Warren. Sa kanyang record, limang Pinoy ang nabiktima ni Tete, kabilang si King Arthur Villanueva.

“Sabi ko sa kanya kaya mo yung suntok niya kaya pasukin niya ng pasukin. Tatamaan at tatamaan niya yan,” pahayag ni Nonoy Neri, trainer ni Casimero.

Sa undercard, nadomina ni World Youth bronze medalist Criztian Laurente si Christian Gabayeron sa loob ng 32 segundo ng laban sa lightweight class para maitala ang ikatlong sunod na knockout win.

Impresibo rin si Olympian Charlie Suarez na nagtala ng first rouund knockout win kontra Virgil Puton sa lightweight duel.

-NICK GIONGCO