MAILAP ang panalo kay Pinoy super grandmaster Wesley So.

Laban kay dating world champion GM Viswanathan Anand ng India sa round 4, natapos din ang duwelo ng 25-anyos sa draw sa 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA.

Nagtala ng blunder si So sa naitulak na Qa5 sa ika-18 sulong dahilan para makalamang ng isang pawn si Anand. Bahagyang nakabawi si So para maipuwersa ang draw sa larong ubaot sa 42 moves ng Petroff.

Ito ang ikaapat na sunod na tabla ng pambato ng Imus, Cavite para sa kabuuang dalawang puntos at makisalo sa eight-way tie sa third spot.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nangunguna sina Anand at GM Fabiano Caruana ng USA na may parehong 2.5 puntos.

Nakahabol sa unahan si Caruana nang magwagi kay GM Levon Aronian ng Armenia sa 53 moves ng Ruy Lopez.

Makakaharap ni So si Caruana sa ikalimang round.