PINABAGSAK ng Davao Cocolife Tigers ang palabang Bataan Risers, 83-75, sa eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa sa Filoil Arena sa San Juan City.

Unang umarya ang Bataan ni coach Jong Uichico sa pagpasabog ng magkasunod na tres nina Anton Inigo at Jai Reyes sa pagpitada pa lang ng unang yugto sa inaasahang mahigpitang laban upang makubkob ang unang kanto ng bakbakan.

Umatungal naman ang bangis ng Tigers sa pangunguna ng prized catch na si James Forrester sa sumunod na quarter kasama sina veterans Billy Robles, Bonbon Custodio, bagitong si Marco Balagtas at main man Mark Yee upang tapatan ang atake ng Risers tungo sa pagtabla ng laban 37-all sa halftime.

Ang dating UPHR standout at former pro na si Forrester ang topscorer para sa Tigers ni owner Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista kaagapay sina Cocolife president Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque upang giyahan ang kaniyang koponan sa ika-pitong sunod na panalo para sa 8-1 karta at manatiling nasa tuktok ng team standing sa South Division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinilala namang Best Player of the Game si Forrester na ikalawa nito mula nang magpasiklab sa MPBL.

Dikitan ang naturang bakbakan hanggang sa crunchtime kung saan ay nakadistansiya nang safe ang Davao sa pares na convertion ni Tiger’s role player Emman Calo sa free throw line, 91-75, may 13 segundo ang natitira tungo sa paghablot ng pahirapang panalo ng defending Datu Cup MPBL Southern champion.

Kumamada naman ng 20 puntos si Alvin Pasaol para sa Bataan.

“We stayed focused at endgame offensively and defensively. Its team effort,” pahayag ni Tigers head coach Don Dulay.