KASADO na ang pinakahihintay na sagupaan nina ‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire, Jr. at Japan’s top pound-for-pound boxer “Monster” Naoya Inoue para sa World Boxing Super Series bantamweight finals sa Nobyembre 7 sa Saitama Super Arena sa Japan.

AKSIYONG umaatikabo ang bakbakan nina Donaire at Inoue

AKSIYONG umaatikabo ang bakbakan nina Donaire at Inoue

Itataya ni Donaire ang matikas na 40-5 marka, tampok ang 26 knockout laban kay Inoue na walang bahid sa 18-0, kabilang ang 16 Kos.

Tampok ang walong top-rated bantamweight boxers sa single-elimination tournament na inorganisa ng Comosa AG.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Paglalaban nila ang Muhammad Ali Trophy sa torneo na inilarawang “the best production in boxing arrive in the Land of the Rising Sun for a huge spectacle” ni Camosa Chief Kalle Sauerland.

“Two bonafide superstars are going to find out who is the very best in the division and bring home the Ali Trophy,” aniya.

Tinaguriang ‘The Monster’ ang 26-anyos na si Inoue ang unang Japanese na nalathala sa The Ring cover mula nang maglathala ang pamosong magazine noong 1922.

Inaasahang mapapalaban siya kay Donaire na beterano sa edad na 36.

“I can’t wait for the final,” sambit ni Inoue. “Donaire is to me a legend in the sport of boxing, and I am honored to be sharing the ring with him in the final. But I will do my very best to win against the legend to claim the Ali trophy.”

Kabilang sa tinalo ni Donaire para makausad sa finals sina

Top seeded Ryan Burnett ng Ireland (quarterfinals) noong Nobyembre 2, 2018 sa SSE Hydro sa Glasgow, Scotland at

No.r WBA contender Stephon Young (semifinals) nitong April 27, 2019.

“I am looking forward to the final in Japan and a great fight,“ sambit ni Donaire.

“Inoue is an amazing fighter, but I saw flaws in his semi-final, and I think I can definitely create a game plan against him and win the Ali Trophy.”

Impresibo naman si Inoue na tinalo ang huling tatlong karibal sa kabuuang pitong minute at 22 segundo, tampok angpanalo kay

Jamie McDonnell ng Great Britain may 1:52 sa first round, Juan Carlos Payano of Dominican Republic’s 1:10 sa first round, at Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico may 1:20 sa second round.