BAGO pa nagkaroon ng mediacon ang digital series na Call Me Tita ay naikuwento na ito ni Ice Seguerra sa amin sa nakaraang #PPPGrandLaunch2019 kung saan kasama siya sa show at katambal niya si Mylene Dizon.

Ice at Liza

“Alam n’yo na kung ano role ko, kami ni Mylene,” sambit ng partner ni FDCP Chairwoman Liza Diño.

At dito na nabanggit ni Ice na natutuwa siya dahil unti-unti nang nabubuksan ang ganitong genre sa series at pelikula.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Hindi idinetalye ni Ice kung anong ginawa nila ni Mylene sa Call Me Tita, “panoorin n’yo na lang,” sabi sa amin.

Sa ginanap na Call Me Tita screening ay nakapanayam muna namin si Ice bago namin napanood ang digital series at inamin niya na kinabahan siya dahil may kissing scene sila ni Mylene at unang beses niya itong ginawa onscreen.

“Actually pinaghandaan ko naman, nag-gargle ako. Hindi rin maganda pakiramdam ko dati kasi may stomach flu ako,” bungad na kuwento ni Ice habang nakikinig ang wifey niyang si Liza, na nasa background kasama ang producer ng Call Me Tita na si Harlene Bautista for Heaven Best Entertainment.

Sa tanong namin kung maraming kissing scene ang ginawa nila ni Mylene, “hindi naman, mga ano lang (naalanganin), dalawa?” saad ni Ice.

Ilang takes?

’Yun lang,” tumatawang sagot ng singer-actor.

Hirit namin, ‘bumawi ka?’

“Masakit ang tiyan ko habang nangyayari lahat ‘yon,” tumatawa ulit na sabi ni Ice.

Aniya pa, pinag-usapan nila ni Mylene ang mga eksena bago gumiling ang camera ni Direk Andoy Ranay.

“Oo sinabi ko talaga sa kanya na, ‘ikaw makaka-devirginize sa akin (screen). Siyempre nag-usap kami kung ano ba, kung hanggang saan ang limits (niya), ako and everything those things,” saad ng singer/actress.

Paano at bakit tinanggap ni Ice ang Call Me Tita project?

“Well, number one, I really miss acting. Number 2, I can’t say no ‘coz parang ang ganda nu’ng kuwento and the roster of artists na nakasama ako it’s an honor for me to be part of this kahit small part siya, I’m happy.”

Sa tagal nang artista ni Ice ay ngayon lang siya nakatanggap ng offer na may partner na babae sa series.

Masusundan pa kaya ulit ang ganitong klaseng role niya?

Tumingin muna si Ice kay Liza, “well ito (sabay turo), nakarami na, siya nakarami na, ako isa palang,” natatawang sabi habang nakatitig naman ang wifey niya.

At sabay sabi ni Liza, “ah ganu’n!”

Kunwaring aalis naman sina Harlene, “excuse ha, baka madamay kami,” sabay pigil naman ni Liza.

At heto na, hinihingan ng reaksyon ang FDCP Chairwoman ay ayaw nitong magsalita.

’Di ba? First time niyang ayaw magpa-interview! Nagpaalam ako (kissing scene) parang (umaayaw), sabi ko, ‘tigilan mo ako ha, may sex scene ka!’ (tawang-tawa naman si Liza kasama si Harlene sa background).

“Sabi ko, ‘ako halik lang’. Magandang interbyuhin ninyo siya pagkatapos (mapanood),” sabi ni Ice.

Pero sa kabilang banda ay hindi naman daw selosa si Liza dahil nga artista sila pareho kaya nagkaka-intindihan sila bago pa nagkaroon ng posisyon sa gobyerno ang una.

At kung sina Ice at Liza ang magtatambal sa show o pelikula, “ay all out ito (sabay tawag sa wifey), ‘Love sabi nila kung tayo raw ang magkasama, sabi ko all out ako, frontal (nudity),” humahalakhak na sagot ni Ice.

Samantala, pagkatapos ng screening ay masayang-masaya si Liza at talagang proud siya kay Ice sa karakter nitong lover ni Mylene na ipinost pa niya sa kanyang FB page.

“My love, it was so nice to see you back on screen again and doing what you love, acting. For a time, alam kong medyo nag step-back ka ‘coz ayaw mong matali ang oras mo. Pero alam ko deep inside, hinahanap-hanap mo s’ya.

“Love, you have a natural gift. Napakagaling mong artista. Sa totoo lang pangarap kong makatrabaho ka kasi grabe ka magbigay sa eksena. Watching you last night, bigla ko na namang na-miss umarte, only because gusto ko, ako ‘yung kaeksena mo. Hahahaha! Joke lang.

“Nakakakilig to see you with a love interest at nakakaproud dahil hindi na halaman ang tingin sa mga transman walang love life. I’m really happy na the role you’re playing is no longer limiting you as an actor.

“Love, you’re playing a male role. Can you believe that? The world is changing. I know that makes you proud. (Although siguro kaya ako ganito kasi ‘di ko pa nakikita ang kissing scene mo.

“Love, ituluy-tuloy mo na ‘to. Nandito lang ako sa likod mo. You must not stop feeding your soul. You are an artist with so many talents. At masuwerte ka, abot kamay mo lang ang lahat ng ito.

“I love you sooooooo much. I was happy to attend the gala premiere last night as your wife and your number one fan!”

At magandang regalo rin ito sa dalawa dahil nagdiwang sila ng kanilang anibersaryo nitong Agosto 7.

“Happy 8th sa atin mahal ko. 3 months na lang, 5th wedding anniversary na natin. Ang bilis ng panahon pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sayo.

Let’s go out tonight. I -date mo ‘ko! Love you.

“Love, Your wifey.”

-REGGEE BONOAN