Dumoble ng halos 100 porsiyento ang bilang ng mga kaso ng dengue na naitala ng Department of Health (DOH) sa Cavite.

DENGUE

Sa ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 5, 2019 ay kabuuang 6,232 dengue cases na ang naitala, kabilang ang 27 kaso ng nasawi.

Mas mataas ito ng 99 porsiyento kumpara sa 3,127 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon ng nakaraang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Walang pinipiling edad ang sakit dahil ang mga dinapuan nito ay nagkaka-edad lamang ng isang buwang gulang hanggang 92-taong gulang, at karamihan ay mga lalaki, na nasa 53%, ayon sa DoH.

Pinakamarami ang naitala sa Dasmariñas na may 1,542 kaso, kasunod ang General Trias (575); Bacoor (510); Imus (507); at Silang na may 475 kaso.

Nagdeklara na ang provincial government ng Cavite ng state of calamity nitong Hulyo 18, dahil sa patuloy na pagdami ng dengue cases doon.

-Mary Ann Santiago