HINIKAYAT ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga stake holders ng 30th Southeast Asian Games, (SEAG) na magkaisa at isipin ang kampanya na makakuha ng maraming medalya higit at host ang bansa sa biennial meet sa November 30 hanggang December 11.
“One team, one goal. Let us go for gold,” pahayag ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports and Amusement. “The future of sports in the country is in your hands.”
Ang panawagan ay ginawa ni Go sa gitna na rin ng mga alingasngas na nabalutan ito ng kurapsyon ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation na kinabibilangan ni House Speaker Allan Peter Cayetano.
Inihayag pa ni Go, na napagkasunduan nila na pangasiwaan pa rin ng Phisgoc ang pangangalap ng pondo mula sa pribadong sektor, habang ang Philippine Olympic Committee (POC) mamahala sa mga laro at Philippine Sports Commission (PSC) ang bahala sa ‘disbusement’ ng pondo ng pamahalaan.
“Magkaisa po tayo para sa ikabubuti ng ating mga atleta at para sa tagumpay ng buong Pilipinas. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para masuportahan ang Philippine team pero siguraduhin natin na magawa natin ito sa tamang paraan. Lets Go for Gold, support our athletes, and make sure no government funds will go to waste,” sambit ni Go.
-Leonel M. Abasola