MATAPOS ang matagumpay na kampanya kung saan nakakolekta ng gold medal sa Fide rated Tempo Inter-Schools Rapid Chess Championships (Elementary Division, 6.5 points out of 7 games, nakatutok si Philippines’ youngest Woman Fide Master Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa sa pangarap na makopo ang world title.

“Target ko pong makakuha ng FIDE world crown this year,” sabi ni Racasa.

Bagamat sa nakalipas ay marami ng napanalunan na torneo si Racasa subalit hindi niya pa nakukuha ang prestiyosong world title.

Si Racasa na ipinagmamalaki ng Home Global School ay nais niyang maipagpatuloy ang kanyang pananalasa sa pag tulak ng 2019 World Cadet Chess Championship.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kasama ng kanyang father/coach na si Roberto Racasa na isa ding International Memory Sports champion, kilala sa tawag na Tonelle sa chess world ay masisilayan sa Agosto 20 hanggang Setyembre 2 na gaganapin sa Weifang International Leisure Sports Town sa Weifang, China.

Si Tonelle ay nagkampeon sa 19th ASEAN International Age Group Chess Championship nitong Hunyo 2018 sa Davao City. Nakamit niya ang gold medal sa standard competition kasabay ng pagkuha ng coveted WFM title dahil sa kanyang effort.

Sa pangyayaring ito si Tonelle ang naging pinakabatang WFM sa edad na 11.

Siya din ang nag reyna sa 18th ASEAN International Age Group Chess Championship na ginanap sa Kuantan, Malaysia noong 2017 tungo sa pagsubi ng Asean Chess Master title sa eda na 10 at ng National Age Group Girls Under 10 Champion sa Cebu City sa edad na 9