NANGANGAILANGAN ng matinding pagtapos sa nakaraang eliminations upang makausad sa playoffs ng PBA Commissioner’s Cup, tinulungang makasalba ni June Mar Fajardo ang San Miguel Beermen.

Nagtala ng mga inaasahasn sa kanyang numero ang reigning 5-time MVP upang giyahan ang Beermen sa back-to-back wins noong nakaraang linggo (Huly 8-14) na nagsulong sa koponan sa 8-team quarterfinals.

Nagposte si Fajardo ng average na 22.5 puntos at14.5 rebounds sa naitalang panalo ng San Miguel kontra Phoenix (128-108) at Rain or Shine (89-87).

Dahil sa kanyang dominanteng performance naging runaway winner ang Cebuano big man bilang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo ni Fajardo para sa lingguhang citation sina rookies Robert Bolick (NorthPort) at Bobby Ray Parks (Blackwater), Japeth Aguilar, Stanley Pringle, at Scottie Thompson (Barangay Ginebra), at Kenneth Ighalo (NLEX).

-Marivic Awitan