Nagsagawa ngayong Linggo ng final inspection si Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa 2.2-kilometrong C-5 link flyover, na madadaanan na ng mga motorista simula sa Martes.

PUWEDE NA SA MARTES Nagsagawa ngayong Linggo ng final inspection sa 2.2-kilometrong C-5 link flyover si Public Works Sec. Mark Villar. (JANSEN ROMERO)

PUWEDE NA SA MARTES Nagsagawa ngayong Linggo ng final inspection sa 2.2-kilometrong C-5 link flyover si Public Works Sec. Mark Villar. (JANSEN ROMERO)

Sa Martes, Hulyo 23, bubuksan ang Cavitex Infrastructure Corporation (CI), kasama ang Philippine Reclamation Authority, ang unang section ng C-5 link flyover, na bahagi ng 7.7-kilometrong Cavitex C-5 link expressway.

Ito ang kinumpirma ni Villar, sinabing magbibigay ang urban expressway ng mga bagong ruta sa mga motorista habang binabagtas ang traffic choked corridors sa pagitan ng Parañaque, Las Piñas, Pasay, at Taguig sa katimugang Metro Manila.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Vehicular traffic spends about 1.5 hours just across from Villamor area in Pasay City hanggang Taguig via Fort Bonifacio. On opening, this section will have three lanes on each direction and will enable about 8,000 vehicles to easily cross in half that time,” ani Villar.

Ang P1.6-bilyon C-5 Link Flyover project ay alternatibong ruta para sa mga bumibiyahe sa pagitan ng Fort Bonifacio, C.P. Garcia, Taguig City, Parañaque, Las Piñas, at Pasay, at direktang tatawid sa Metro Manila Skyway at South Luzon Expressway.

-Bella Gamotea