BUKAS na ang pagpapatala sa “Saturdays-only” classes ng San Beda basketball camp, nagdiriwang ng ika-14 season.

Sisimula ang klase sa Mendiola at Taytay campus sa Hulyo 20.

Bukas ang programa sa mga batang limang taon at pataas (lalaki at babae). Nakatakda ang session ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Sa mga interesadong makilahok, makipag-ugnayan kay Oliver Quiambao sa 735-6011, local 2104, at 0929-1971071, gayundin kay camp organizer Edmundo Badolato ( 0908-8624543).

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Tatakbo ang camp ng walong Sabado (July 20 to Sept. 7) sa Taytay, at (July 27 to Sept. 14) sa Mendiola.

Pangangasiwaan ang programa ng mga coach ng San Beda.

Itinakda ang entry fee sa P4000, at pay pakete na P7000 para sa dalawang session. Makakatanggap ang campers ng San Beda jersey at Molten balls.