TOTOO ngang naka-enroll sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee si former Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil nag-post ng larawan sa Instagram (IG) ang talent manager/multi-media producer/writer/author/educator/broadcaster na classmate ni Herbert sa Batch 22 ng scriptwriting workshop.

Herbert at Noel

Siniguro raw ni Herbert kay Ricky na kaya niyang buuin ang 13 weeks na scriptwriting workshop na every Sunday ang klase. Bukod kay Noel Ferrer, kaklase rin ni Herbert sina Candy Pangilinan, Mikoy Morales, Vaness del Moral at Bea Alonzo.

Nasa vacation mode pa si Herbert makaraang magtapos ng term niya as Quezon City Mayor, at wala pa tayong nababalitaan tungkol sa mga susunod niyang plano ngayong wala na siya sa mundo ng pulitika.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Nitz Miralles