SA ikatlong pagkakataon, muling sasabak sa Russia si Filipino journeyman Jhon Gemino na kakasa kay world rated at Moscow-based Muhammadkhuja Yaqubov ng Tajikistan bukas (Hulyo 13) sa RCC Boxing Academy, Ekaterinburg, Russia.

Magandang pagkakataon ito kay Gemino para itala ang kanyang ikaapat na panalo pawang sa knockouts mula nang matalo sa puntos kay three-time world title challenger Denis Shafikov ng Russia noong Hulyo 21, 2018 sa Moscow.

Unang tinalo ni Gemino si Japanese Sho Nakazawa sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan via 2nd round knockout noong Disyembre 3, 2018 bago pinalasap ng unang pagkatalo via 7th round knockout si dating undefeated Mexican Carlos Ornelas noong Marso 2, 2019 sa Tijuana, Mexico.

Sa kanyang huling laban nitong Abril 15, pinatulog ng tubong Lipa City, Batangas na si Gemino ang kababayan mula Cebu City na si Zoren Pama sa 3rd round sa Angono, Rizal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May perpektong rekord si Yaqubov na 13 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts na nakalistang No. 13 sa WBC at No. 14 sa IBF sa super featherweight division kumpara kay Gemino na may kartadang 20-11-1 na may 10 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña