2 Nat’l Jr. record naitala ni Mojdeh; Swim Pinas, humakot sa PSI Grand Prix

HINDI lang isa, bagkus dalawang ulit na binura – sa loob ng isang araw -- ni swimming phenom Micaela Jasmine Mojdeh ang Philippine Junior National Record sa 100-meter butterfly sa impresibong kampanya para pangunahan ang Swim Pinas sa matikas na ratsada sa 2019 PSI Long Course Grand-Prix National Championships nitong weekend sa makasaysayang Rizal Memorial Swimming Center sa Manila.

MOJDEH! Determinado na makalangoy sa SEA Games

MOJDEH! Determinado na makalangoy sa SEA Games

Tumapos ang Swim Pinas, binubuo ng mga elite swimmers ng Philippine Swimming League (PSL) ng namayapang coach Susan Papa, sa first runner-up overall team competition tangan ang kabuuang 24 ginto, 15 silver at 11 bronze medal, sa likod ng kampeong Harpoon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinatunayan ng 13-anyos na si Mojdeh, incoming high school sa Brent International ang pagiging top junior swimmer sa kasalukuyan, nang pagwagihan ang paboritong event sa girls 13-under class sa bagong marka na isang minuto at 04.08 segundo.

Bago ang medal swim, nalagpasan niya ang dating marka (1:04.74) sa qualifying time na 1:04.72. Bunsod nito, nakuha niya ang ‘Female Highest Fina Points Award’ sa 11-13 yrs. old age group category tangan ang 649 Fina points.

Nasundan ang tagumpay ni Mojdeh sa isa pang bagong record-breaking win sa 200-meter butterfly Open Finals sa tyempong 2:21.14, halos isang minuto ang bilis sa dating marka na 2:22.69.

Sa tatlong araw na kompetisyon – bahagi ng national tryouts para sa pagpili ng National Team members na isasalang sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre – nakakolekta ang pambato ng Paranaque ng kabuuang anim na ginto, isang silver at 2 bronze sa kanyang age group class kabilang ang dalawang ginto, tatlong silver at isang bronze sa Open Finals.

NAGBUNYI ang mga miyembro ng Swim Pinas matapos tanghaling runner-up sa overall team competition sa kanilang unang sabak sa PSI Grand Prix National Finals.

NAGBUNYI ang mga miyembro ng Swim Pinas matapos tanghaling runner-up sa overall team competition sa kanilang unang sabak sa PSI Grand Prix National Finals.

“Her new record is also the fifth fastest time among all female swimmers in this event, giving her fighting chance in making it to the SEA Games team this year,” pahayag ng ina Mojdeh na si Joan, tumatayo ring team manager ng grupo.

Nangibabaw din ang galing at husay ng batang Mojdeh sa Girls 11-13 400 free (4:50.56); 11-13 girls 50-breast (35.67); Girls 200 IM 11-13 (2:30.81); Open Finals Gold 100 Fly; 11-13 Girls 800 Freestyle Micaela Jasmine Mojdeh Gold (9:53.78); 200 IM Silver 400; 50 Breast bronze; 11-13 Girls 100 free Silver (1:02.61); 11-13 Girls 50 back Bronze 33; Silver 800 M freestyle (9:53.78); 11-13 Girls 100 free Silver (1:02.61); 11-13 Girls 50 back Bronze 33; 11-13 Girls 800 Freestyle (9:53.78); Girls 11-13 50 Free Bronze (29.37); Open Finals (Gold 100 Fly, Silver 200 IM, Silver 400 Free ,Bronze 50 Breast).

“Hindi lang si Jasmine, talagang maganda ang performance ng team. Considering na ito ang una naming sabak sa PSI competition, malaking bagay ito sa mga swimmers. Maraming salamat po sa aming mga coach na sina Alexandre Papa ng PSI, Marlon Dula, coach Cris at coach Qkw Swimmingteam,” aniya.

Ang Swim Pinas ay binubuo ng mga elite swimmers ng Philippine Swimming League (PSL) ng namayapang si coach Susan Papa, sa pagtataguyod ng TYR Philippines, The Victoria Sports Club at Behrouz Persian Cuisine.

Ang iba pang Swim Pinas bet na nagmedalya sa torneo ay sina Boys 11-13 Hugh Antonio Parto (Gold 400 Free 4:47.24); Boys 14-15 Marcus Johannes De Kam (Gold 400 free 4:21.77); 11-13 Boys Lee Grant Cabral (Bronze 37.03 50 Breast); Boys 11-13 100 fly Hugh Antonio Parto (Gold 1:03.79), Lee Grant Cabral (Silver 1:07.35); Boys 11-13 200 IM Hugh Antonio Parto (Gold 2:30.71), Lee Grant Cabral (Silver 2:36.06); Boys 11-13 100 Back Lee Grant Cabral (Silver 1:12.61); Boys 14-15 100 Back Yohan Mikhail Cabana (Gold 1:05.96); BOYS 11-13 50 free Hugh Antonio Parto (Gold 27.40); Boys 14-15 50 Free Marcus De Kam (Bronze 26.03);

Jules Mirandilla (Gold 100 Fly); Bronze 4x 100 Medley Relay (Jules Mirandilla Marcus De Kam JN Paderes at Rio Malapitan); 11-13 Boys 200 Free Hugh Antonio Parto (Silver 2:16.00); 11-13 Boys 100 Breast Lee Grant Cabral (Silver 1:22.00); 16-18 Boys 100 Breast Rio Malapitan (Bronze 1:12.50); Boys 11-13 200 Back Hugh Antonio Parto (Gold 2:30.68); Boys 14-15 200 Back Yohan Cabana (Silver 2:22.87); 11-13 Boys 400 IM Hugh Antonio Parto (Gold 5:27.37); 11-13 Girls 400 IM Julia Ysabelle Basa (Bronze 6:07.36); 11-13 Boys 50 Fly Hugh Antonio Parto (Gold 28.26); Silver Lee Grant Cabral (29.60); Bronze 4x100 Freestyle Relay Jules Mirandilla, Marcus De Kam, Yohan Cabana at Joco Delizo;

11- 13 Boys 100 freestyle Hugh Antonio Parto (Silver 1:01.79); 14-15 Boys 100 free Marcus De Kam (Gold 56.85); 11-13 Boys 50 Back Hugh Antonio Parto (Silver 32.58); 14-15 Boys 1500 Freestyle Marcus De Kam (Gold 17:20); 11-13 Boys 200 Fly Hugh Antonio Parto (Gold 2:23); 16-18 Boys 200 Fly Jules Mirandilla (Silver 2:15); Open Finals Micaela Jasmine Mojdeh (Gold 200 Fly 2:21.14), (Silver 800 M freestyle 9:53.78); Marcus De Kam (Gold 1500 M Freestyle 17:20); Jules Mirandilla (Silver 200 Fly 2:11).

“We are so grateful to the entire PSI led by president Lani Velasco for opening their arms for PSL. You all have made a huge difference in the lives of these kids being together in one team. We will forever be grateful to each and everyone of you,” pahayag ni Mojdeh.

Nakuha rin ni Marcus ang Male Highest Fina Points sa 14-15 age group tangan ang 603 Fina Points mula sa napagwagihang tatlong ginto at isang bronze sa age category at isang ginto at dalawang bronze sa Open Finals. Tinanghal namang Male Highest Fina Points award sa 11-13 age group category si Parto tangan ang walong ginto at tatlong silver.

-EDWIN ROLLON