ANG daming napa-throwback noong panahon ng seryeng Flordeluna nang makita ang photo na magkasama sina former Quezon City Mayor Herbert Bautista at Janice de Belen.

Herbert at Janice

Nagkita ang mga dating bida ng Flordeluna sa birthday party ni Direk Ruel Bayani, na ginawa sa The Peninsula Manila sa Makati City.

Ipinost ng talent manager na si Popoy Caritativo ang litrato ng dalawa, at ayun, marami ang naka-miss kina Flordeluna at Rene Boy Alecante, mga karakter nila sa nasabing serye noong ‘80s.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Napansin sa picture nina Herbert at Janice ang very fresh look ng dalawa, partikular na ang bagong hairstyle ng dating mayor, at ang biglang pagbata ng hitsura nito.

Request ng netizens, sana pagsamahin uli sa teleserye ang dalawa.

-Nitz Miralles