ADVANTAGE sa Kapuso actress at StarStruck7 council member na si Heart Evangelista na tuwing weekend lang ang pagda-judge nila sa original artista reality search, kaya may time siyang magbiyahe kung saan niya gustong pumunta.
The other week ay umuwi siya sa Sorsogon para makasama ang husband niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Ayon sa aktres, ginagawa raw niya ang pagbisita roon every other two weeks.
This week naman ay pumunta siya sa Paris, ang kanyang happy place, dahil naimbitahan siya sa isang event ng Paris Fashion Week, kaya naman sige siya ng pag-aura at pagrampa.
This time, dahil wala pang classes ang stepdaughter niyang si Chesi, isinama niya ang bagets sa Paris.
Caption ni Heart sa kanyang Instagram photo habang rumarampa siya sa Paris, the City of Lights: “My smile knowing that I’m in the land of croissants, macarons and more!”
For sure, sulit na sulit na naman ang ilang araw na pagrampa ni Heart sa Paris, at nakapag-recharge muli siya para harapin ang pagdya-judge naman sa Final 14 ng StarStruck, kasama ang mga kapwa council members na sina Ms. Cherie Gil at Jose Manalo.
In this connection, this weekend ay may bagong pasabog ang StarStruck, dahil nagbigay sila ng second chance sa anim na natanggal na bumalik at makikipag-compete sa Final 14.
Kung may mababa sa scores ng dalawang original Final 14, maaari silang palitan ng dalawang binigyan ng second chance at sila ang bubuo sa bagong Final 14.
This time, ang council lamang ang boboto sa 20 hopefuls na maglalaban-laban, walang text votes from the televiewers.
Ang StarStruck ay napapanood every Saturday, pagkatapos ng Daddy’s Gurl; at every Sunday, pagkatapos naman ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
-NORA V. CALDERON