Tinanggap ni Pangulong Duterte ang resignation ni GSIS President-General Manager Jesus Aranas.

ARANAS

Sa isang text message ngayong Miyerkules ng hapon, kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tinanggap ng Presidente ang pagbibitiw sa puwesto ni Aranas.

“Aranas resignation accepted earlier,” ani Medialdea.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa kanyang resignation na may petsang Hulyo 2, sinabi ni Aranas na sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay kumpiyansa siyang naisulong niya ang kapakanan ng GSIS.

“I resign, secure in the knowledge that I have unwaveringly advanced the interest of GSIS and its members in discharging the functions of the said office always in obeisance to all laws and never once compromising my integrity or that of the office I now relinquish,” saad sa resignation letter ni Aranas.

Si ay dating deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bago itinalaga ni Duterte para pamunuan ang GSIS noong Nobyembre 2017.

Pinalitan niya si Francisco Duque III, na itinalaga namang kalihim ng Department of Health (DoH), makaraan tanggihan ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga ni dating Health Secretary Paulyn Ubial.

Ito na ang ikalawang resignation ng isang may mataas na puwesto sa gobyerno sa loob ng isang linggo, kasunod ng pagbibitiw din sa puwesto ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

-Argyll Cyrus B. Geducos